Power Service Interruption sa Catanduanes, mararanasan dulot ang sa malawakang maintenance ng FICELCO sa linggo

BNFM Bicol – Malawakang scheduled line maintenance ang mararanasan sa buong probinsya ng Catanduanes, sa pagtugon sa pangangailangan ng mas maayos na serbisyo ng kuryente, ito ang inanunsyo ng First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO).

Ayon kay Engr. Joe Neil T. Tuzon, FICELCO System Planning and Construction Division Supervisor, layunin ng maintenance na ito na mapabuti at mapanatili ang kalidad ng serbisyo ng kuryente sa lugar.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Inaabisuhan ang mga residente na makakaranas ng brownout sa buong isla sa darating na Linggo, Hulyo 14, 2024. Ang power interruption ay inaasahang magtatagal ng ilang oras upang bigyang daan ang mga kinakailangang pagsasaayos at pagpapanatili ng linya ng kuryente.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Pinapayuhan ang publiko na maghanda at magplano ng kanilang mga gawain upang maiwasan ang abala dulot ng power interruption. Ang FICELCO ay humihingi ng pang-unawa at suporta mula sa mga residente habang isinasagawa ang mga hakbang na ito para sa mas maayos na serbisyo ng kuryente sa hinaharap. # # # Rumer Grant, Intern

Photo from Web