CAMARINES SUR- Pormal nang nai-award ng lokal na pamahalaan ng Garchitorena, Camarines Sur ang lote para sa 400 na mga pamilya nasa high risk area o mga delikadong lugar.
Ang mga pamilyang ito ay mga nakatira sa may baybayin , landslide at flood prone areas. Nais ng LGU na mabigyan sila ng ligtas na lugar upang hindi sila likas ng likas lalo na kung may kalamidad. Nagtulong-tulong sa programang ito ang mga opisina lalo na ang Assessor’s Office, Engineering Department, General Services Office at marami pa.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Edna Valencia ng Public Employment Service Office (PESO) at Mayor’s Office , may kondisyon sa mga benepisyaryo na bawal ibenta ang lote, ang mapapatunayan na nagbenta ito ay babawian ng lupa at titulo.