BNFM Bicol- IBINAHAGI ng Department of Science and Technology (DOST) Bicol ang nilalaman na mga programa at serbisyo ng Siyensyang Maasahan sa 1st Bicol Business Summit na pinamunuan ng Camarines Sur Chamber of Commerce Inc. (CSCCI) sa Villa Caceres Hotel ng Naga City nitong Hulyo 12.
Nilinaw sa pagbabahaging ito na ang mga inisyatibong isinusulong ng DOST Bicol ay magbibigay suporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa mga programa gaya ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP), Regional Standards and Testing Laboratories (RSTL), Grants-In-Aid (GIA) Program, at iba pa.
Layunin ng pagtitipong ito na bigyang diin an ginagampanang papel ng DOST sa pakikiugnayan sa mga lokal na negosyante at stakeholders ng industirya tungo sa pagsusulong ng socio-economic landscape sa rehiyon. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from DOST-Bicol