Postponement ng Barangay at SK election, normal at naaayon sa batas – DILG Sorsogon

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Sorsogon na walang anumang paglabag sa batas ang madalas na nangyayaring postponement ng Barangay at SK election.

Sa panayam ng Brigada News kay DILG-Sorsogon head Julius Rodel Cal-Ortiz dapat maunawaan ng taong negatibo ang tugon sa ilang beses na pagpapaliban ng eleksyon, na mayroon itong sinusunod na proseso.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, kumpara kasi sa National at Local election na nasa konstitusyon at hindi pwedeng baguhin, madali lang magpasa ng batas para sa postponement ng Barangay at SK election dahil nakapalaman ito sa Local Government Code at base sa batas mas madali itong amyendahan ng senado at kongreso dahilan upang madaling naipagpapaliban ang naturang eleksyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kung susundin ang batas, sa Disyembre 5, 2022 nakatakda ang Barangay at SK Election ngunit maaari pa rin itong mabago at mapostpone lalo na’t ilang senador na rin ang nais pa itong ipagpaliban sa ibat-ibang kadahilanan.