Bahagyang muling tumaas ang positivity rate ng covid-19 o bilang ng mga nagpositibo sa mga sumailalim sa COVID-19 test sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na tatlong araw.
Ayon kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research Team, naitala sa 17.9% ang positivity rate sa Metro Manila as of August 11.
Mas ito kumpara sa nitala na 17.4% noong August 6 at 15.9% noong August 9.
Gayunman, sinabi ni Dr. David na hindi pa rin matiyak kung ang pagtaas bang ito ay indikasyon na naabot na ang peak ng positivity rate sa rehiyon.
#