Positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sumirit sa 14.6 percent ayon sa OCTA Research

Lalo pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region base sa monitoring ng OCTA research group ngayong araw.

Sinabi ni OCTA fellow Guido David na hindi pa klaro kung ano ang dahilan ng pagbabago sa trend at hindi pa nila masabi kung kailan masasabing naabot na ang peak ng positivity rate sa NCR .

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay David, inaasahan nilang madadagdagan ng 1,110 ang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila ngayong araw habang nakikita nilang maitatala ito sa 3,000 sa buong bansa

Ipinaliwanag ni David na tumataas ang mga kaso sa maraming lugar sa bansa lalo pa at mistulang nakakayang malusutan ng mga bagong subvariants ang bisa ng bakuna laban sa COVID-19.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Sa kabila nito, sinabi ni David na maituturing na epektibo pa rin ang mga bakuna dahil karamihan sa mga tinatamaan ng mga bagong subvariants ng COVID-19 ay konti lang ang naitatalang severe o malala at hindi kailangan ng hospitalization.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#