Posibleng ‘surge’ ng Covid-19, pinaghandaan ng PhilHealth; Home Benefit Isolation Package, inialok

SORSOGON CITY – Preparasyon sa posibilidad ng surge sa COVID-19.

Ito ang pangunahing layuninn ng Covid-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) na alok ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni PhilHealth-Sorsogon Chief Social Insurance Officer Alfred Jubilo, sinabi nito na, dahil kulang pa rin ang bakuna at hindi pa rin nababakunahan ang lahat, kung kaya’t kanila nang na-anticipate ang posibilidad ng pagiging punuan sa mga ospital sakaling magkaroon ng surge sa COVID-19.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paliwanag nito, sa CHIBP ay nakapaloob dito ang mga sumusunod na serbisyo: (1) Hindi bababa ng 10 araw na home isolation consultation, kung saan hindi bababa sa dalawang bese na konsultasyon sa doktor mula sa accredited Philhealth na pasilidad bilang CHIBP provider at ang inisyal na konsultasyon ay dapat na face to face. (2) 24/7 na pang-araw-araw na pagsubaybay sa clinical and supportive care ng isang Nars sa pamamagitan ng telecommunication.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang panghuli ay ang pagbibigay ng home isolation kit na kinabibilangan ng: 1 Litro ng 70% alcohol, 5 pirasong face mask, 1 thermometer, mga gamot at medisina kasma na ang vitamins, isang pulse oximeter at consent form.

Ang iba pang serbisyo kung kinakailangan ay ang patient education at referral sa mas mataas na pasilidad kasama ang suporta habang inililipat ang pasyente.

Buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon, nang simulan ang implementasyon ng nasabing benipisyo.