Isang ginang, tinakbuhan ng lalaking nagpa-cash in sa GCASH

Sapul sa dashcam video ang pagtakas ng isang lalaki na wanted ngayon sa isang tindahan sa Puerto Princesa City.

Matapos kasi itong magpa- cash in sa GCASH ay humarurot ito sakay ng motorsiklo at hindi nagbayad.

Ayon sa biktima, Miyerkules nang pumasok ang isang lalaki sa kanyang tindahan para magpa-cash in ng P3, 000.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nagbigay raw ito ng number pero ilang beses na hindi ma- transact ang mga numero.

Kalaunan ay nag-send ang lalaki ng isa pang GCASH number kung saan naipasok ng ginang ang naturang halaga.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matapos ang transaksyon ay sinabi ng suspek na babalik lang ito dahil may kukunin sa motorsiklo pero bigla itong sumakay at tumakas.

Samantala, nagreklamo na sa PNP ang biktima at inisyal na kinilala ang suspek sa alyas na “Batote”.