Posibleng pagtaas sa singil ng kuryente sa lalawigan ng Albay, hindi umano kontrolado APEC

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) ang dahilan ng posibleng pagtaas sa singil ng kuryente sa lalawigan ng Albay kasabay sa kasalukuyang oil price hike na nararanasan ng bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Patricia Gutierrez, tagapagsalita ng APEC, posibleng maapektuhan ang presyo ng singil sa kuryente dahil nakadepende rin umano ang kanilang ahensya sa presyong ibinibigay ng planta o generator na siyang pinagkukunan nila ng kuryente.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Noong nakaraang buwan, ang overall residential rate ay tumaas umano ng mahigit 27 centavos kada araw kung kaya’t ang singil sa kuryente ay aabot sa P13. 57 per kilowatt hour (kwh) kada buwan.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Nilinaw din ni Gutierrez na kung tataas ang presyo ng langis sa abroad, ito ay dahil nakadepende rin ang presyo ng langis sa dollar exchange rate na maaari ring tumaas dahil sa kasalukuyang kondisyon ng pandaigdigang merkado.

Kung kaya’t ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa lalawigan ng Albay ay hindi umano kontrolado ng APEC.