BICOL – SA kabila ng mga limitasyong dahil sa pandemya, patuloy ang Commission on Population o POPCOM-Bicol sa paghanap ng mga paraan upang mas higit pang palakasin ang kanilang kampanya uko sa maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.
Ayon kay Nina Albie Morallos, POPCOM Bicol information officer, mula sa mga webinars at radio programs, nagsagawa rin umano ang kanilang ahensya ng house-to-house information drive.
Nitong Marso-8 lamang din umano ng pasimulan ng POPCOM-Bicol ang isang youth webinar series on teen pregnancy na “Aramon Nimo” kung saan nakatakdang i-ere sa Marso a-29 ang susunod na episode.
Katuwang ang DSWD ay nakatakda rrin umanong isagawa ang Social Protection Program for Adolescent Mothers and their Children (SPPAMC) na layong ma-determina ang estado ng teenage pregnancies sa ibat ibang mga lugar sa rehiyon.
Dagdag pa nito, sa loob ng maraming mga taon, patuloy umanong nangunguna ang Camarines Sur sa may pinakamataan na kaso ng
teenage pregnancy na siya ring pinakamalaking probinsya at may malaking populasyon.
Samantala, nagpapatuloy din ang “U4U”teen caravanna nakasentro naman ang layunin sa usapin ng adolescents’ sexual at reproductive health gayundin pag-iwas sa maagang pagbubuntis.
Base sa datus ng ahensya, naitala ang 11,224 na kaso ng teenage pregnancies sa Bicol noong 2019 at pinangangambahan ang posibleng pagtaas pa nito ngayong panahon ng pandemya.