Pasok sa Guinness World Records ang isang lalaki mula sa Australia na si Brendan Kelbie matapos nitong balansehin ang anim na magkakapatong na M&Ms.
Nahigitan ni Kelbie ang sarili nitong record noong 2020 kung saan siya ay nakapagbalanse ng apat na magkakapatong na M&M’s, ngunit agad na nasungkit nina Will Cutbill at Rocco Mercurio ang titulo mila sa kanya matapos makapagbalanse ng limang piasong M&M’s.
Sa kagustuhang maibalik ang nasabing titulo ay hindi tumigil si Kelbie kaya sinubukan niyang balansehin ang anim na pirasong M&M’s nang magkakapatong.
Napagtagumpayan niyang pagpatung-patungin ang mga ito nang hindi natutumba sa loob ng sampung segundo.### ALLYZA BALLON, Intern