G7 – nakiisa sa pagkundena sa mga aksyon ng China sa South China Sea

Nagpahayag ng pagkabahala ang Group of Seven (G7) sa pagdami ng ginagawang ‘dangerous maneuvers’ at water cannon bombing ng China sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.

Kaugnay nito ay pinagtibay ng G7 ang kanilang pagkondena sa anumang unilateral attempt na magbabago sa status quo ng naturang katubigan.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kinokondena umano ng mga ito ang mapanganib na paggamit ng China sa coast guard at maritime militia sa South China Sea, maging ang paulit-ulit na pagsira sa freedom of navigation ng mga bansa.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Nanindigan ang G7 leaders na hindi nila kikilalanin ang maritime claims ng China.