Posibilidad sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa bayan ng Santa Elena, itinaas matapos bumaha na epekto ng malakas na ulan 

CAMARINES NORTE- Itinaas ang posibilidad sa pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig sa bayan ng Santa Elena matapos bumaha na epekto ng malakas na ulan na dala ng bayong “Amang.”

Ayon sa Santa Elena Water System Office, posible umanong naapektuhan ang dalawang transmission pipeline ng dam sa Sitio Caguit na syang dahilan ng pagkawala ng tubig.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ilan sa maaaring maapektuhan nyan ay ang Barangay Poblacion sa nasabing bayan at sa Barangay Rizal at San Lorenzo naman na epekto sa Busan Mini Dam.

Humingi naman ng pang-unawa ang Santa Elena Water System Office sa kanilang konsumidores dahil kailangan pa umanong hintayin ng mga personnel ang pag hupa ng baha upang makatawid ng ligtas sa Ilog ng Santol at Minasag at maisagawa ang pagkukumpuni.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nangako naman ang nasabing Water System Office na sa oras na humupa ang baha, sisikapin nilang maayos lahat ng posibleng sira sa mga pangunahing linya ng suplay ng tubig.