KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang 331 na mga pamilya sa Lutayan, Sultan Kudarat na apektado ng pagbaha noong mga nakaraang linggo.
Ang mga ito ay residente ng Barangay Mangudadatu, Antong, Maindang, Sanpao, Lutayan Proper at Barangay Manili na sinalanta ng baha matapos na tumaas ang lebel ng tubig sa kanilang lugar dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Ang mga ito ay nakatanggap ng Family Food Packs at Family Kits.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente sa natanggap na tulong lalo na’t apektado ang kanilang pamumuhay dahil sa sunud-sunod na mga pag-ulan.
