Pops Fernandez, naka-bonding na ang unang apo

Nakilala na sa wakas ng Concert Queen na si Pop Fernandez ang kanyang unang apo, na ipinanganak noong Disyembre.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang social media ang bonding moments nila ni baby Phineas, na anak ng kanyang panganay na anak na si Robin Nievera at partner nitong si Mian Acoba.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Sa ibang bansa kasi pinanganak si Baby Phin at ngayon lang ulit nakauwi ng Pilipinas ang anak nitong si Robin, na ngayon ay kasama na ang kanyang pamilya.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Saad ng singer, labis niyang ikinatutuwa ang pagdating ni Baby Phin sa buhay niya at ngayon ay pwede na siyang tawaging Lolli-Pops.

###