Pope Francis, nagtalaga ng bagong obispo sa Zamboanga

Itinalaga ni Pope Francis bilang bagong obispo ng Zamboanga si Ipil Bishop Julius Tonel.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hinirang ni Pope Francis si Bishop Tonel noong Martes , April 25.

Ang appointment ni Tonel ay matapos mamatay dahil sa sakit ang dating Obispo  na si Bishop Romulo de la Cruz sa edad na 74 noong December 10, 2021.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mula noon, ang archdiocese ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Auxiliary Bishop Moises Cuevas bilang apostolic administrator.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Si Tonel, na ipinanganak noong 1956 sa Davao City, ay naordinahan bilang pari noong April 12, 1980 para sa Archdiocese of Davao kung saan siya nagsilbi bilang vicar general at rector ng San Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao.

Naging obispo siya noong 2007 matapos hirangin ng yumaong Pope Benedict XVI.//CA