Mambabatas, nais paimbestigahan sa Kamara ang kakapusan ng plastic drivers license card

Naghain ng resolusyon si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na naglalayong imbestigahan ang kakapusan ng driver’s license plastic card.

Sa House Resolution 926, binigyang-diin ni Herrera ang kahalagahan na matukoy ang ugat ng pagkaantala sa pagbili ng plastic card at upang makagawa ng hakbang upang hindi na ito maulit.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Nilalayon din ng imbestigasyon na  masuri ang kahusayan at pagiging epektibo ng mga umiiral proseso ng gobyerno para hindi maapektuhan ang pagseserbisyo sa publiko.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Matatandaang, inanunsyo ng Land Transportation Office  na paubos na ang mga drivers license plastic card at iiimprenta muna sa papel ang lisensya.//CA