Sampu katao ang patay at mahigit isang dosena ang naka-life support matapos ang sunog sa Cambodian border casino.
Ang sunog sa Grand Diamond City hotel-casino sa Poipet, sa hangganan ng Thai, ay sumiklab nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang bilang ng mga nasugatan ay nasa 50 at kasalukuyang nasa ospital.
Sa mga larawang kuha , nagpapakita na ang gusali ay tinupok ng apoy, kung saan ang mga bumbero ay nagpupumilit na sugpuin ito at ang mga rescuers ay nagtatangkang isalba ang mga ito mula sa nasusunog na hotel-casino.//CA