Pope Francis, hinimok na tapusin na ang digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo

Hinimok ni Pope Francis ang paggalang sa mga sibilyan sa mga lugar ng labanan at sinabing pagod na ang mga tao sa mga digmaan, na tinawag niyang sakuna para sa mga tao at isang pagkatalo para sa sangkatauhan.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ito ang kanyang panawagan matapos ang lingguhang Angelus prayer sa St. Peter’s Square.

Patuloy aniyang nakakaranas ng paghihirap ang populasyon ng Myanmar, Middle East, at Ukraine, kaya’t dapat mabigyan sila ng humanitarian aid.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Ikinatuwa naman nitong nakalaya na ang anim na madre sa Haiti, matapos ang kanyang panawagan na palayain ang mga ito.