Popcom – Bicol tinukoy ang mga salik na posibleng nakaambag sa pagbaba ng bilang ng mga ipinanganak noong taong 2020

SORSOGON CITY – Tinukoy ni Commission on Population (PopCom)-Bicol Regional Director Joyce Dela Paz Hilvano ang mga salik na posibleng nakaapekto upang bumaba ang bilang ng mga nanganak o ipinanganak sa taong 2020.

Kabilang aniya sa mga ito ang mas kaunti ang bilang ng mga nag-asawa o  nagpakasal dahil sa pandemya.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Mga babaeng nagdesisyon na huwag munang magbuntis dahil mahirap ang pag-avail ng mga pre-natal care at panganganak.

Maigting na Family Planning program at ang Artificial Separation ng mga mag-asawa bunsod ng lockdown.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Una rito, sinabi ng opisyal na mayroon pa ring mga nanganak sa nasabing taon hindi nga lang umano ito kasing laki ng bilang ng mga nanganak noong taong 2019.