Maging ang Civil Service Commission (CSC) ay napatanong na rin kung saan nanggaling ang pondong ipinambayad sa isang entertainer na nag-‘sexy dancing’ sa isang command conference ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay kahit na nilinaw na ni NBI Dir. Medardo de Lemos na walang public funds ang nagasta sa pagha-hire ng naturang dancer sa kanilang event.
Sa isang panayam, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada na dapat ‘simple’ lang ang lifestyle ng isang kawani ng Gobyerno.
Sinabi pa ni Lizada an ang ganitong uri ng practice ay nagbibigay lang ng ‘pressure’ sa iilang mga tao.
Ipinaalala rin ng CSC official na ang ano mang uri ng panunulisit sa Gobyerno ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kung maaalaa, una na ring humingi ng paumanhin si de Lemos sa naturang viral video ng ‘sexy dancing’ at tiniyak na mananagot ang nasa likod nito.