Naglaan ng P200k na pabuya ang Southern Police District para sa ikadarakip ng mga suspek sa pamamaril sa isang empleyado ng Department of Public works and Highways o DPWH.

Sa Press conference sa Kampo Crame, inilibas ni SPD Director PBGen. Kirby John Kraft ang litrato ng isa sa mga suspek na sinasabing backrider ng motor na bumaril kay Atty. Maria Rocelle Melliza, Chief ng Right of ways Acquisition and Legal Division ng DPWH NCR.
Ayon kay Kraft, nananatiling nasa ospital ang biktima matapos magtamo ng tama ng baril sa kanyang ulo at balikat sa insidenteng naganap noong umaga ng June 5 sa kahabaan ng Bgy. 21 sa Pasay City.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at tinitingnan na rin kung mayroon nasagasaan o naka alitan ang biktima na may kaugnayan sa kanyang trabaho.