Lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang dams – tuloy sa pagbaba

Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat, Ipo at Bustos Dam.

Ito ay ayon sa pinakabagong datos mula kay Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Officer-In-Charge Ret. Police Col. Manuel Lukban Jr.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon kay Lukban, kaninang ala-sais ng umaga ay nasa 179.33 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na mas mababa kumpara sa 179.44 metro na inihayag noong Sabado.

Mula naman sa 17.08 metro ay nasa 16.95 metro na lamang ang Bustos Dam.

Ayon sa PDRRMO, 90% ng raw water requirement para sa Metro Manila ang maaapektuhan kung patuloy ang magiging pagbaba ng tubig, partikular na sa Angat Dam.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Maliban pa dito, ito rin umano ay ginagamit na sub-reservoir ng Maynilad at maaari rin itong makaapekto sa mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga, dahil ang naturang dam ang pinagkukunan nila ng tubig para sa irigasyon.