Pondong gagamitin para sa pagpapatayo ng bagong municipal building sa Gigmoto, Catanduanes kukunin sa 20% ng municipal development fund

BNFM BICOL—Inihayag ng alkalde sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes na kukunin sa 20% ng Municipal Development Fund ang pondong gagamitin para sa pagpapatayo ng municipal building ng kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Vicente Tayam Jr, walang balak na mangutang o humiram ang LGU sa bangko para mapondohan ang pagtatayo ng naturang gusali.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Mas mainam kase aniyang walang aalalahanin na utang ang kanilang bayan at nakakapanghinayang din ang porsyentong kanilang ibabayad sa bangko lalo na at maaari itong magamit sa iba pang mga priority projects ng LGU.

Dagdag pa ng opisyal, aabot sa P65-million ang kanilang kakailanganing pondo para sa pagpapatayo ng bagong munisipyo ngunit positibo silang mapupunan at mapaglalaanan ito ng lokal na pamahalaan.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Sa ngayon ay nasimulan na ang pagpapatayo ng munisipyo kung saan may P24-million nang siguradong pondo mula sa MDF para dito, P12-million naman ang ilalaan dito mula sa 2021 budget habang P12-million din mula sa 2022 budget.###