BNFM BICOL—Inihayag ni Baras, Catanduanes Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer – Engr. Khalil Tapia na tatlo pang mga mangingisda mula sa naturang bayan ang kasalukuyan pa ring pinaghahanap matapos na mawala sa gitna ng laot nitong December 1.
Sa panayam ng Brigada News FM-Bicol, kinumpirma ni Tapia na dalawa sa limang mga mangingisda ang natagpuan na ngunit bangkay na ang mga ito nang marekober, at pawang nasa state of decomposition.
Isa sa mga ito ang napadpad sa Rapu-Rapu, Albay habang ang isa naman ay narekober sa karagatang sakop ng Butuan, Masbate.
Sa ngayon aniya, ang mga personahe na ng PCG-Samar; PCG-Leyte; PCG-Sorsogon at PCG- Masbate, ang nagsasagawa ng Search and Retrieval Operation dahil sa mga nabanggit na lugar natagpuan ang mga bangkang sinakyan ng mga nawawalang mangingisda.
Hindi naman nabanggit ng opisyal kung hanggang kalian magtatagal ang paghahanap sa mga ito, dahil mahigit dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente.###