Pondo para sa panibagong proposed elementary school sa Naga City naging agenda sa regular session ng Sangguniang Panglungsod

NAGA CITY – Abala ngayon ang LGU-Naga sa paghahanap ng mga pondong gagamitin para sa mga paaralang planong itayo sa lungsod ngayong taon 2024, tulad ng sa Proposed Salungigi Elmentary School sa Barangay Cararayan, na noon pang isang taon pinagplanuhang ipatayo sa layuning huwag ng lumayo ang mga bata sa kanilang lugar.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa ginawang regular session ng konseho kahapon ng umaga, isa sa naging agenda ay ang planong ito, na kung saan ipinatawag si City Budget Officer Frank Mendoza para tanungin kung may available na pondo ang lungsod para dito.

Batay naman sa pahayag ni Mendoza, ang pondo ay kukunin sa Local Development Funds para bilhin ang mahigit 20 thousand square meters na tatayuan ng naturang elementary school.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Napag-alaman pa na hindi pa agad ito mapo-proseso dahil sa makikipag-ugnayan pa ang LGU-Naga sa may–ari ng lote at kung ano ang magiging sistema nito sa magiging bilihan.