‘Full investigation’ hinggil sa kamakailang insidente sa Ayungin Shoal, panawagan ng isang senador

Kinondena ni Senate Committee on National Defense, vice chairperson, Senador Christopher ‘Bong’ Go ang naging panibagong insidente sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos ang pagsampa ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas na nagdulot naman ng matinding sugat sa ilang Pilipinong tauhang nandoon at maging sa pagkaputol ng daliri ng isa sa mga ito.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Alinsunod nito, nanawagan ang senador ng ‘full investigation’ hinggil sa nasabing insidente.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maalala, kamakailan lang ay naghain na ng resolusyon si Senadora Imee Marcos na naglalayong imbestigahan ang nasabing pangyayari.

Ani Marcos, sa pagtukoy ng totoong nangyari rito ay mas makakapagbigay ng nararapat na aksyon ang gobyerno upang ipaglaban ang teritoryo ng Pilipinas.