Ikinokonsidera ni Political analyst Prof. Ana Malindog-Uy bilang matagumpay ang war on drugs campaign ni outgoing President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Malindog-Uy, hindi lang puro madugo ang naturang kampanya taliwas sa mga lumalabas sa mga ulat, dahil mas marami rin naman umano ang surrenderees.
Kaugnay nito, naging masigasig rin ang lahat ng security forces at hindi natakot na huliin ang mga drug peddlers, dahil malakas na political will ng Duterte administration.

Marami rin umano ang mga nabigyan ng pagkakataon na muling magbago sa tulong ng mga rehabilitation program ng gobyerno.
Giit ng political analyst, walang perpektong programa, hindi sa tingin niya ay hindi naman ito sa panig ni Duterte, kundi sa implementing agencies gaya halimbawa sa pulisya kung saan hindi maitatanggi na may mga scalawags.
Dahil dito, binigyan ng gradong 8 mula sa 10 ni Malindog-Uy ang war on drugs campaign ng Duterte administration. //MHEL PACIA