Police Major, pinagsamantalahan ang Patrolwoman sa istasyon

Inireklamo ng paglabag sa Republic Act 7877 o Anti- Sexual Harrasment Law ang isang Police Major ng kanyang mismong kabaro sa Bulacan.

Base sa ulat ng pulisya, ang biktima ay isang 30-anyos na Patrolwoman.

Naganap umano ang insidente dakong alas 3;00 ng madaling araw nitong Biyernes habang natutulog umano ang biktima sa loob ng Women and Children Protection Desk.

Nagising umano siya dahil sa yakap at halik ni Police Major.

Sinubukan pa niyang pigilin ang suspek subalit lalo lang umano itong naging agresibo at simulang hawakan ang maselang parte ng kanyang katawan at halikan siya sa labi.

Tumigil lamang ang opisyal nang makita na siyang umiiyak at agad na umalis ng opisina.

Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsampa ng nasabing kaso laban sa pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *