AFP: Chinese military uniform na nadiskubre sa POGO sa Pampanga, posibleng ‘props’ sa online propaganda

Posibleng ‘props’ lang ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nadiskubreng umano’y Chinese military umiform sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga.

Sa panayam sa Kampo Aguinaldo kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sinabi nitong dahil iisang Chinese uniform lang ang nakita, posibleng ito’y bahagi ng ICAD, ‘o ‘yung illegal, coercive, aggressive at deceptive activity ng China kabilang ang online propaganda.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Sinabi ng opisyal na anumang bagay na may kinalaman sa national security concern, maliit man ito o malaki ay iimbestigahan ng AFP.

Read More:  PDEA probes possible Davao drug syndicate link to 521 kilos of shabu seized on Laos

Wala rin daw kailangang ipag-panic dito ang publiko.

Nakikipag-uganyan na ang AFP sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa imbestigasyon.