Giannis Antetokounmpo, nagrehistro ng career-high na 55 points para pangunahan ang Bucks na lampasan ang Wizards

Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng career-high na 55 points,  humakot ng 10 rebounds at gumawa ng pitong assists nang talunin ng Milwaukee Bucks ang Washington Wizards, 123-113.

Ang kanyang fourth career na 50-plus-point game ay matapos ang 20-of-33 shooting mula sa floor at 15-of-16 sa free-throw line. Tinangka ni Antetokounmpo ang lahat maliban sa isa sa mga foul shot ng Bucks.

Si Antetokounmpo at teammate na si Bobby Portis ay tabla sa third most double-doubles sa NBA na may tig-21 points. Nakaipagsabayan si Portis sa kanyang kapwa Buck na nagmula sa bench para sa 17 points at 13 rebounds.

Samantala, pinangunahan naman ni Kristaps Porzingis ang Wizards na may 22 points, at humakot siya ng siyam na rebounds.//CA