POGO – maituturing umanong ‘national security concern’ ayon kay Defense Sec. Teodoro

Naniniwala si Defense Secretary Gibo Teodoro na maituturing na rin bilang isang ‘national security concern’ ang usapin ng POGO, lalo na ang mga ‘scam hubs’ sa bansa.

Sabi ni Teodoro – masiyado nang malawak ang epekto ng mga POGO sa Pilipinas.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Aniya, malinaw daw na pinahihina nito ang political, economic, at social aspects sa bansa.

Malaki rin umano ang nagiging epekto ng POGO sa ating peace and order.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Sabi pa ng Kalihim, mayroong mga sindikatong kriminal ang nagtatago sa mga POGO.

Idiniin ni Teodoro na dapat ay maitigil na ang mga ganitong uri ng aktibidad.

Wala rin aniya silang karapatan dito sa Pilipinas.