Mangingisda, patay matapos tamaan ng timon sa dibdib habang nasa Pacific Ocean

Patay ang isang lalaki matapos umano itong tamaan ng timon sa dibdib habang nangingisda sa Pacific Ocean kamakailan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, Hunyo 1 umano nang umalis ang biktima kasama ang iba pang mangingisda sakay ng fishing vessel patungo sa Pacific Ocean at makalipas ang pitong (7) araw ng pangingisda, nagpasyang bumalik ang mga ito sa Infanta, Quezon.

Upang mapaandar muli ang vessel, kinakailangan umanong alisin ang bakal na lock ng timon kung saan ang biktima ang naatasan na gumawa nito.

Doon na umano aksidenteng tinamaan sa dibdib ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Samantala, naiuwi ang labi ng biktima sa Infanta, Quezon nitong Martes, Hunyo 11.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *