Kahon ng plastic bottle ng China, nakuha sa Tubbataha sa Palawan; rangers tinawag itong “from china without love”

Narekober ng mga marine ranger ang palutang-lutang na isang kahon ng 1.5 liter ng mineral water mula sa bansang China sa karagatan ng Tubbataha Reefs Natural Park and World Heritage Site sa Cagayancillo, Palawan noong lunes, Ika-10 ng Hunyo.

Ayon sa Facebook post ni Angelique Songco, tinawag nyang basura ang kahong ito na narekober nila habang naglalayag sa Malayan Wreck hanggang Terraces sa North Atoll.

Galing umanong Linjiang City, Jilin Province, China ang mga ‘basura’ na tinawag nyang “From China without love.”

Aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng basura sa Tubbataha Reefs dahil may nakita rin daw noong Abril.

Samantala, umani ito ng negatibong reaksyon mula sa mga netizens at hiling nila sana’y maaksyonan ito ng Gobyerno.

Courtesy: Tubbataha Reefs Natural Park and World Heritage Site

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *