POGO hearing – hindi pa rin tuluyang tinutuldukan sa Senado

Kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na magkakaroon pa sila ng panibagong pagdinig hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator para talakayin ang ilang isyu na nasiwalat kahapon.

Kabilang na rito ang tunay na rason sa pagbisita ni Jessica Francisco o Mary Ann Maslog kay Alice Guo noong ito ay tumakas papuntang Indonesia.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Maliban pa roon, inaasahan din umano nila sa susunod na pagdinig ang buong kooperasyon ni PNP Intelligence Group Chief Brig. General Romeo Macapaz na siyang nag-enlist kay Maslog upang kausapin si Alice.

Maalala, ayon kay Sen. Ronald Bato Dela Rosa, nakatanggap siya ng impormasyon na ang pinakalayunin ng pagbisita ni Maslog kay Guo ay papirmahin ito sa affidavit.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ito ay upang ituro sila nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Christopher ‘Bong’ Go at dating CIDG, Chief, Police Major Romeo Caramat bilang mga tao sa likod ng POGO operation sa bansa.