Binuwag ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang 844 plantilla position kasunod ng privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Karamihan sa mga ito ay mula sa mga lumipat sa bagong pamunuan kung saan umarangkada noong Setyembre 14 ang New NAIA Infrastracture Corp. (NNIC).
Kaugnay nito, naghihintay ang MIAA sa pag-apruba ng Governance Commission for GOCCs (GCG) para sa kanilang mungkahing estruktura.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, kailangan ang suporta ng natitirang mga empleyado upang matagumpay na gampanan ang kanilang bagong tungkulin bilang regulator.
Sa huli, natapos naman ng MIAA ang isang workshop kasama ang Asian Development Bank upang ihanda ang mga kinatawan sa kanilang bagong papel.