Inatasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ituloy ang kanilang operasyon habang inaayos pa ang bagong departamento para sa mga overseas filipino workers o OFWs.
Ito’y matapos magkaroon ng ilang kalituhan sa magiging takbo nito ng pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay Bello, wala pang pondo umano para dito kaya naman naglabas siya ng isang memorandum kung saan pinapahintulutan si POEA Administrator Bernard Olalia na panatilihin ang operasyon ng kanilang ahensya.
Samantala, base sa aprubadong IRR, magiging Office of the DMW Secretary na ang POEA administrator office sa bansa. || ARGIE ERGINA
