Poe, kinalampag ang gobyerno na aksyunan na ang talamak na text scams

Pinakikilos na ni Senadora Grace Poe ang National Telecommunications Commission na aksyunan na ang kabi-kabilang mga text scams na natatanggap ng mga Pilipino.

Ayon sa Senadora na siya ring chairperson ng Senate Public Services Commitee, kailangan nang gumawa ng hakbang ng NTC para mahinto ang mga texts na ito.

Aniya, siya mismo ay nakatatanggap ng mga scam messages na nag-aalok ng mga trabaho, extra income, incentives at mga freebies.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Giit ni Poe, hindi na dapat madagdagan pa ang problemang pinapasakit ng mga Pilipino lalo na’t ang nabibiktima ng mga scam na ito ay ‘yung mga baon sa utang.

Kahit na mayroon na raw kasing direktiba ang NTC sa mga telco na mag-isyu ng warning sa kanilang subscribers, talamak pa rin ang modus na ito.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Hinikayat naman ni Poe ang susunod na Kongreso na buhaying muli ang SIM card registration bill para maresolba ang problemang ito.

Matatandaang nakalusot na sa Kongreso ang panukala ngunit na-veto ng Pangulo daihl sa ilang probisyon na mayroong kinalaman sa social media.
#