‘Critical Engagement’ sa China, isa sa mga unang tututukan ni NSA-designate Clarita Carlos

Kinumpirma ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na isa sa mga marching order sa kanya ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutulak niya ng “critical engagement” sa China sa gitna ng isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Carlos na nangyari ito sa pulong nila ni Marcos kung saan napag-usapan ang relasyon ng bansa sa China.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon kay Carlos, batid ni President Marcos na dapat pairalin ang critical engagement sa China at palalakasin ito sa lahat ng lebel.

Matatandaan na pinuri ni Marcos si Carlos dahil sa lawak ng kaalaman nito sa foreign policy at international politics kaya tiwala itong maraming magagawa ito sa nasabing usapin.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Una nito ay sinabi ni China Ambassador to the Philippines Huang Xilian na maaari namang maayos ang differences ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng bilateral consultation at friendly communication. (LEO NAVARRO-MALICDEM)
#