Hindi pa kuntento si Senator Grace Poe sa trouble shoot at band-aid solutions ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa nangyaring airspace shutdown noong January 1.
Sinabi ni Poe na chairman ng Senate public services committee na hindi pa natatapos ang ginagawa nilang imbestigasyon kaya hindi pa sila magbibigay ng desisyon patungkol rito.
Inulit ng senador ang pangangailangan ng third party maintenance provider matapos malaman na ang warranty para sa Communication, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system maintenance ay nag-expire na noong 2020.

Sa hiwalay na text message, sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hihintayin ng Senado ang resulta ng forensic investigation para mabigyan sila ng mas malinaw na larawan kung ano ang nangyari sa nag-malfunction na mga kagamitan sa paliparan.//CA