Desisyon na ihinto ang pagbebenta ng mga sibuyas sa Kadiwa, pansamantala lang ayon sa isang opisyal ng DA

Pansamantala lamang ayon sa Department of Agriculture ang desisyon nito na ihinto ang pagbebenta ng P170 kada kilo ng sibuyas sa mga Kadiwa centers.

Sa isang panayam , sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesman Kristine Evangelista na ito ay dahil tinatapos pa ngayon ng DA ang kanilang kasunduan sa Food Terminal Inc. para sa ikalawang cycle ng pagkuha ng mga onion bulbs.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Tinitingnan  rin umano ng FTI na kunin ang mga sibuyas mula sa iba pang farmers cooperatives sa gitna ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Itinigil ng DA ang pagbebenta ng P170 kada kilo ng sibuyas sa Kadiwa outlets simula kahapon.

Dagdag pa ni Evangelista, na bumaba na ang farmgate price ng sibuyas sa P250 kada kilo kumpara noong Disyembre kaya inaasahan ng DA na mas marami nang sibuyas ang bibilhin sa mga magsasaka.//CA