PNR Station sa Naga City binabantayan din ng mga barangay opisyal laban sa mga pasaway na mga menor  at mga nag-iinumang mga istambay lalo na sa gabi

NAGA CITY  – Hindi lang ang mga commercial establishments ang binabantayan ng mga barangay opisyal, mga tanod kung gabi kundi pati na rin ang Phil. National Railways Station na nasa bahagi ng Barangay Triangulo at Lerma sa Naga City.

Ang mga ito ay nagsasagawa ng pagroronda sa PNR Station para matiyak na walang umiistambay na mga minor at nagsisipag inumang mga tambay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Paborito kasing tambayan ang estasyon ng tren,ayon kay Triangulo Punong Barangay Allan Beriso lalo na ng mga resedenteng nakatira malapit rito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Beriso,marami-rami na rin silang nasisitang mga istambay hindi lang mga minor kundi maging ng mga adults na agad naman nilang pinapaalis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Minsan anya may nangyayari pang gulo sa inuman,dahil mga lasing na at  nagkakapikunan na,sabi pa ni Beriso.

May koordinasyon din silang ginagawa sa mga security guards na siyang kautlong nila sa pagsita.

Isa ang Barangay Triangulo sa minomitor ng mga pulis,dahil sa mga bar,night clubs sa lugar na siyang venue ng gulo kung gabi.