PNP, walang kumpirmasyon kung may ICC investigators na sa bansa

Hindi itinanggi at hindi rin kinumpirma ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kung may mga imbestigador na ng International Criminal Court o ICC ang nakapasok ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ito’y upang mangalap ng mga impormasyon at simulan ang imbestigasyon ukol sa war on drugs ng dating adminstrasyon.

Ayon kay Gen. acorda, nakamonitor dito ang Pambansang Pulisya.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration at Department of Justice na wala pa silang natatanggap na impormasyon kung nasa bansa na nga ang mga representante ng ICC.