PNP, walang impormasyon sa 2 aktibong general na sangkot sa destab plot vs Marcos admin

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na may 2 aktibong heneral na naka assign sa Mindanao ang sangkot sa umano’y destabilization plot laban sa administrasyong Marcos.

Ito’y makaraang ibunyag ni dating senador Antonio Trillanes sa isang panayam na base raw sa kanyang source sa intelligence community na ang 2 heneral ay mula sa hanay ng PNP na kabilang umano sa Davao group.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Muling inulit ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na walang aktibong PNP officials ang sangkot sa pinalutang na destab plot laban sa administrasyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Bukas umano ang PNP sa anumang impormasyong maaaring maibahagi ni Trillanes upang mabigyan linaw ito.

Samantala sinabi ni Fajardo na nananatiling high morale ang mga miyembro ng Pambansang Pulisya.