2025 Proposed Budget ng DA, lusot na sa Senado

Hindi na pinatagal at agad nang pinalusot sa loob lamang ng halos limang minuto ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, Chairperson, Senadora Cynthia Villar ang 2025 Proposed Budget ng Department of Agriculture.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Pero bago ito ay binanggit muna niya ang tugon ng kanyang komite hinggil sa request ng ahensya, kung saan tiniyak niya ang pagsasabatas sa Livestock Bill upang matugunan ang pangangailangan ng Bureau of Animal Industry.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Maliban pa roon, pinaalalahanan din niya ang DA na isumite sa kanyang komite ang mga dokumentong kanyang hinihiling upang magamit ito sa pagdepensa ng kanilang pondo sa plenaryo.