Iginiit ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na hindi sana gawing biro ang kanilang operasyon sa paghahanap kay Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos sabihin ni Atty. Salvador Panelo na nagbibiro lang si dating Pangulong Duterte na alam nito kung nasaan ang kinaroroonan ni Quiboloy.
Ayon kay Fajardo, batid nilang lahat ang personality ni Duterte, pero hindi sana gawing biro ang seryosong mga bagay gaya ng kanilang paghahanap sa televangelist.
Hindi aniya dapat kalimutan ang mga taong sumisigaw ng hustisya, at ang ‘di umano’y mga batang namolestiya at naging subject sa trafficking.
Isang ‘serious matter’ umano ito, at dapat tingnan ang mga magulang at kabataan na humihingi ng hustisya.