PAPA Atty. Gadon: hindi maganda ang gagawing hindi pagdalo ni VP Sara sa SONA ni PBBM

Hindi magandang tingnan at marinig na ilang araw pa bago mag-SONA ay nagsalita na agad si Vice President Sara Duterte na hindi ito dadaluhan.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Duterte na hindi siya a-attend sa ikatlong SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Presidential Adviser for Poverty Alleviation, sinabi nitong tila nakalimutan ni VP Sara na siya ang bise presidente ng bansa.

Bilang vice president, tungkulin aniya ni Duterte na makipagtulungan sa presidente.

Batay sa Konstitusyon, duty rin daw nito na i-assist ang pangulo sa pagtalima nito sa kanyang mga responsibilidad.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Bagaman pwede pakinggan sa telebisyon ang magiging SONA ni Pangulong Marcos, iginiit ni Gadon na iba pa rin kung naroroon sa mismong event ang presensya ni VP Sara.

Maipakikita umano nito ang buong suporta para sa presidente.