Siniguro ng Philippine National Police na magkakaroon ng masusing imbestigasyon hinggil sa mga ulat ng karahasan at sa mga alleged human rights violations ngayong election period.
Ito ang tiniyak ni PNP Public Information Office chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba sa Commission on Human Rights matapos ang ginawang panawagan ng Commission on Elections sa mga law enforcement agencies na habulin ang mga nasa likod ng mga naitalang election related incidents.
Sa tala ng PNP, mayroong 16 na kumpirmadong ERIs at karamihan ay nangyari sa BARMM.
Pagsisiguro ni Alba, mananatiling ‘committed’ ang hanay ng Kapulisan na maresolba ang mga insidenteng ito sa tama at maayos na paraan.

Bago ito, una nang sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao na tututukan na ngayon ng hanay ng pulisya ang pagsasampa ng mga kaso at reklamo para sa mga election violators.
Kabilang na rito ang mga lumbag sa gun ban at liquor ban; mga bumili at nagbenta ng boto; at iba pang mga election offenses.
#