COMELEC, dapat nang mag-improve ng mga makina – solon

Umapela ang ilang mga mambabatas sa susunod na adminstrasyon na dapat nang ayusin ang digital infrastructure ng halalan.

Ito ay kasunod ng mga naranasang nitong Lunes partikular na ang mga nagka-aberyang vote counting machines.

Nanawagan si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na dapat naman daw ay mamuhunan na ang susunod na gobyerno at kongreso sa Commission on Elections para naman mas pagkatiwalaan ang magiging resulta ng bilangan ng automated voting.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon sa mambabatas, bagamat ‘game changer’ ang automated elections, kinakailangan pa rin aniya na patuloy itong nag-iimprove.

Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ay ang pagsasaaayos ng mga cellular networks gaya ng pagtatayo ng mas maraming cellsites.

Sa ganitong paraan, hindi made-delay ang transmission ng mga election results sa tuwing magkakaroon ng mataas na traffic sa mga network.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Iminungkahi rin ang paggamit na ng mga fiber networks.

Nararapat din aniyang dagdagan na ang mga VCMs para maiwasan na ang labis-labis na mahabang pila sa labas ng mga presinto.

Bago ito, una nang sinabi ni COMELEC na walang pondo noon na ibinigay ang kongreso para sa pagbili ng mga VCMs kaya ang mga ginamit sa nagdaang halalan ay mga ‘refurbished’ lamang.
#