Ibinida ng Department of Interior and Local Government na higit na mas mapayapa sa ngayon ang election period kumpara sa mga nagdaang halalan.
Iniulat ni Interior Secretary Eduardo Año sa pangulo na mayroon lamang naitalang mga 16 validated election related incidents.
Kaugnay nito, nagbilin ang kalihim sa mga law enforcement agencies na madaliin na ang imbestigasyon sa mga naitalang karahasan sa ibang mga lugar – at gayundin ang pagpapatupad ng maximum tolerance police sa mga magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw.
Bago ito, una nang sinabi ni Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo na
noong 2016 national elections, nakapagtala ang PNP ng 133 na election-related violence; habang 60 ERIs naman noong 2019 midterm elections.

Samantala, hindi pa rin naisasapinal ng COMELEC ang schedule para sa isasagawang special elections ng 14 na barangay sa Lanao del Sur.
Ito ay makaraang ideklara ang ‘failure of eleciton’ sa mga lugar na ito dahil sa mga ninakaw na balota rito at ang mga pangugulo sa mga presinto.
#